โฑ๐๐-๐ ๐ฉ๐ก๐๐ฌ๐ ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐-๐๐ฎ๐ซ๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐๐, ๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐ง๐
Inaasahang mapapadali ang biyahe at accessibility ng mga residente at motorista sa pagpapatuloy ng pagsasaayos ng La Purisima-Curry Road sa Pili, Camarines Sur.
Pinangunahan ni Mayor Marivic Solano ang groundbreaking ceremony para sa Phase II ng proyekto na nagkakahalaga ng mahigit โฑ31 milyon.
May haba itong 825 metro na inaasagang magbebenepisyo sa connectivity ng ibaโt ibang barangay na dinaraanan ng naturang kaskada.
Matagal nang problema ng mga residente ang maputik at lubak-lubak na kalsada, na mas nagiging mahirap daanan tuwing umuulan.
Ayon kay Solano, kabilang ang proyekto sa mga prayoridad ng kaniyang administrasyon upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan.