๐๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐,๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐๐๐ฉ๐ซ๐จ๐ฌ๐๐ฌ๐จ ๐ฌ๐ ๐-๐๐๐ฒ โ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐จ๐ง ๐๐ก๐๐๐ฅ๐ฌโ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฎ๐ซ
Higit 2,000 passport applications ang naproseso ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa loob ng apat na araw na Passport on Wheels sa Fuerte CamSur Sports Complex.
Kabilang sa mga naka-avail ng inilapit na passport processing na inisyatiba ng Provincial Government ng CamSur ang mga pamilyang kumuha ng passport para sa kanilang mga anak bilang paghahanda sa kanilang future travel abroad.
Maaga ring nagtungo sa venue ang ilang pamilya upang maasikaso ang kanilang mga aplikasyon.
Sinamantala din ng mga aplikante ang pagpunta ng DFA sa Camarines Sur dahil hindi na nila kailangang bumiyahe sa malayong lugar tulad sa Legazpi para magproseso ng passport.
Nagpasalamat naman ang mga pamilyang naka-avail sa serbisyo sa Provincial Government ng Camarines Sur sa pagsasagawa ng taunang Passport on Wheels program.