๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฎ๐ซ, ๐ง๐๐ ๐ก๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐จ๐ง๐-๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ ๐ฆ๐๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ
Libreng check-up, dental services ang hatid ng Provincial Government ng Camarines Sur sa mga magulang, guro at ilang residente sa Camaligan National High School.
Nakapag-pamper time din ang mga guro at magulang dahil sa libreng gupit at manicure.
Inisyatibo ito ng Parent-Teacher Association (PTA) ng paaralan bilang pasasalamat sa mga magulang na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga anak at sa paaralan. Para sa kanila, deserve din ng mga magulang na maalagaan ang kanilang kalusugan.
Bukod sa Hospital on Wheels at Dental Clinic on Wheels, nakapagparehistro rin ang mga ito sa Yaman sa Kalusugan Program o YAKAP ng PhilHealth.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa mga libreng serbisyong kanilang na-avail mula sa provincial government.
Patuloy ang paglibot ng mga medical asset ng CamSur Provincial Government sa pamumuno ni Governor LRay Villafuerte upang makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa iba't ibang komunidad sa probinsya.