๐๐ ๐ ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ฅ๐จ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ, ๐ฆ๐๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ญ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐ข๐๐'๐ญ ๐ข๐๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐๐ฑ๐ฉ๐๐ง๐๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐จ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ญ
Discounts, paid parental leave at iba pang benepisyo ang maaaring ma-avail ng mga solo parent na pasok sa requirements ng Republic Act 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act.
Kabilang dito ang 10% discount at VAT exemption sa piling produkto tulad ng gatas, diaper, food supplements at niresetang gamot para sa mga batang anim na taong gulang pababa. Para ito sa mga solo parent na walang trabaho o kumikita ng mas mababa sa โฑ250,000 kada taon.
May pitong araw ding paid parental leave kada taon ang mga empleyadong solo parent na may hindi bababa sa anim na buwang serbisyo at valid Solo Parent ID.
Sakop din ng PhilHealth ang mga kwalipikadong solo parent at kanilang dependents. May mga patakaran naman sa pagbabayad ng premium contributions, lalo na para sa mga employed solo parent.
May flexible work schedule din para sa mga nagtatrabahong solo parent, alinsunod sa batas at mga pinapayagang exemption. Maaari rin silang makakuha ng counseling, parenting support at iba pang serbisyo para sa kanilang pamilya.
Bukod dito, may prayoridad din ang mga pasok sa qualifications sa scholarships, livelihood training, employment assistance at government housing programs.
Para ma-avail ang mga benepisyo, kailangang magparehistro sa lokal na social welfare office at kumuha ng Solo Parent ID na dapat i-renew bawat taon. Kailangan din ng Solo Parent Booklet para magamit ang 10% discount at VAT exemption.