๐ก๐ฎ๐ป๐๐น๐ฎ๐ธ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ฟ๐ฏ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐๐บ๐ฏ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ฎ, ๐๐๐ธ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ก๐ฃ
Kilala na ng pulisya ang mga sangkot sa viral video ng panunulak sa isang sorbetero sa Goa, Camarines Sur nitong Sabado, October 10.
Sa follow-up investigation ng PNP Goa, natunton ang driver ng motor at kinilala sa 'Alyas Jo', siya ay 21-anyos, angkas nitong si 'Alyas Ar' at isa pang angkas.
Si 'Alyas Ar' na angkas ng motor ang tumulak umano sa sorbetero. Paliwanag nito sa pulisya, inunat niya ang kanyang kamay para maiwasan ang banggaan ng dalawang motorsiklo.
Sinilbihan na rin ng show cause order ang driver at may-ari ng motorsiklo at inilagay sa 30-day restriction.
Samantala, naghain ng affidavit of desistance ang biktima at hindi na magsasampa ng kaso sa mga sangkot sa insidente.