๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ, ๐ฆ๐๐๐๐ซ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ง ๐ฉ๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐จ๐จ๐ง-๐ญ๐จ-๐ซ๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ง๐
Pinangunahan ni Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte ang groundbreaking ceremony para sa itatayong campus ng Governor Mariano E. Villafuerte Community College (GMVCC) sa Pamplona, Camarines Sur.
Sa soon-to-rise na bagong campus ng GMVCC, inaasahang magbibigay ito ng mas malapit na access sa tertiary education institution para sa mga kabataan sa bayan.
Matagal nang hamon para sa mga residente ng Barangay Tambo ang layo ng mga paaralan, kaya napipilitan ang ilang estudyante na mag-aral sa Naga City at maging sa Metro Manila.
Ayon kay Jerry Atienza Sr., matagal na niyang pangarap na magkaroon ng kolehiyo sa kanilang lugar upang hindi na kailangang lumayo ang kaniyang mga anak at ang susunod pang henerasyon para makapagtapos.
Para sa mga residente, malaking tulong ang proyekto, lalo na sa mga pamilyang kapos sa pinansyal dahil mas mapapalapit na sa kanilang komunidad ang oportunidad na makapag-aral sa kolehiyo.
Nagpasalamat ang mga residente sa proyekto at umaasang mas marami pang kabataan sa Pamplona ang makapagpapatuloy ng pag-aaral nang hindi na kailangang lumuwas sa malalayong lugar.