๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก๐ญ ๐๐จ๐ง๐๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฅ ๐๐ขรฑ๐จ, ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฅ๐๐ก๐ข๐ง ๐ง๐ ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ซ๐๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ญ๐๐ง๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ค๐ฐ๐๐ง
Tuwing summer season o tag-init kadalasan ang pagtatanim ng pakwan ng mga magsasa sa barangay Casuray sa bayan ng Magaraoโang kilalang pakwan capital ng Camarines Sur.
Pero dahil sa nagbabadyang tagtuyot na dulot ng El Niรฑo, sasamantalahin umano ito ng mga magsasaka sa lugar para makapagtanim na pakwan.
Ayon sa mga magsasaka, karaniwang tuwing summer sila nagtatanim ng pakwan ngunit mas maaga nila itong sinubukan ngayon dahil mas kaya nitong mabuhay sa tagtuyot kumpara sa palay. Nakakakuha rin umano ng tubig ang kanilang mga tanim mula sa ilalim ng lupa.
Umaasa naman ang mga magsasaka na magiging maganda ang ani kahit hindi karaniwang panahon ng pagtatanim ng pakwan. May insurance na rin umano sa Department of Agriculture ang kanilang mga pananim upang may makuhang tulong sakaling hindi magtagumpay ang pagtatanim.