๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ซ๐๐จ, ๐ฆ๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ญ๐๐ง๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ค๐ฐ๐๐ง ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ฅ ๐๐ขรฑ๐จ
Hindi na hinintay ng ilang magsasaka sa Barangay Casuray, Magarao, Camarines Sur ang tag-init para magtanim ng pakwan dahil sa banta ng El Niรฑo.
Ayon sa mga magsasaka, karaniwang tuwing summer sila nagtatanim ng pakwan ngunit mas maaga nila itong sinubukan ngayon dahil mas kaya nitong mabuhay sa tagtuyot kumpara sa palay. Nakakakuha rin umano ng tubig ang kanilang mga tanim mula sa ilalim ng lupa.
Umaasa naman ang mga magsasaka na magiging maganda ang ani kahit hindi karaniwang panahon ng pagtatanim ng pakwan. May insurance na rin umano sa Department of Agriculture ang kanilang mga pananim upang may makuhang tulong sakaling hindi magtagumpay ang pagtatanim.