๐๐ฎ๐บ๐ฆ๐๐ฟ, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐๐ถ๐ฏ๐น๐ฒ๐ป๐ด ๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐น ๐ก๐ถรฑ๐ผ; ๐๐ผ๐. ๐๐ฅ๐ฎ๐ ๐ฉ๐ถ๐น๐น๐ฎ๐ณ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ, ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฒ๐ ๐ฒ๐ฐ๐๐๐ถ๐๐ฒ ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฌ-๐ฑ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ฆ๐๐ฟ ๐๐น ๐ก๐ถรฑ๐ผ ๐ ๐ผ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ช๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ
Pinaigting pa ng Camarines Sur ang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niรฑo sa ibaโt ibang sektor.
Isang Executive Order ang pinirmahan ni CamSur Governor LRay Villafuerte na nagtatatag ng 30-day CamSur El Niรฑo Mobilization and Water Security Program, na naglalayong maagapan ang kakulangan sa malinis na inuming tubig at maproteksyunan ang mga magsasaka para mapanatili ang food security ng probinsya.
Sa ilalim ng E.O. 30 Series of 2026, target na makumpleto ang unang province-wide water and
agriculture risk assessment at operational readiness report. Bago mag November 15, imamapa at tutukuyin ng probinsya, katuwang ang ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan ang mga lugar na posibleng mawalan ng tubig at mga sakahang may mataas na panganib sa kawalan ng supply ng tubig sa irigasyon.
Magpapatupad din ng water conservation measures, paghahanda ng karagdagan o alternatibong water source, patas na distribusyon ng tubig, pagrekomenda ng angkop na pananim sa mga magsasaka, at paghahanda ng contingency plans ng bawat munisipyo, barangay at ahensya ng pamahalaan bago pa man lumala ang epekto ng El Niรฑo.
Sa forecast ng PAGASA, ang kasalukuyang El Niรฑo ay maaaring lumakas sa 'Super El Niรฑo' mula Setyembre hanggang Disyembre ng 2026 at magpapatuloy hanggang sa 1st quarter ng 2027.
Inaasahang epekto nito sa CamSur ay mas kaunting ulan, tagtuyot, mas mataas na tsansa ng sunog, kakulangan sa malinis na inuming tubig, kakulangan sa tubig sa irigasyon, at maging sa kalusugan.
Kaugnay nito nanawagan ang gobernador sa publiko na magkaisa, maghanda at magtulungan sa epekto ng El Niรฑo.
"Kaya nananawagan tayo sa lahat ng ating 35 municipal governments, Iriga City, mga barangay officials, national government agencies, water districts, DA, NIA, DENR, PAGASA, at lahat ng kinauukulang ahensya na makiisa, makipagtulungan, at maging proactive sa pagpapatupad ng ating El Niรฑo preparedness and mitigation program" sabi ni Gov. Villafuerte.