๐ฒ๐ฒ-๐ฎ๐ป๐๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐น๐ผ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ฝ๐ถ, ๐ธ๐ฎ๐น๐๐ป๐ผ๐-๐น๐๐ป๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฝ๐๐ด๐๐๐ฎ๐ป
Karumal-dumal na krimen ang umalingawngaw sa barangay San Ramon, Lupi, Camarines Sur nitong October 9.
Ang biktima edad 66-anyos na lola, pinagtataga at pugutan pa ng 27-anyos na lalaki na residente rin sa lugar. Nakita ng ilang residente ang insidente at binitbit pa umano ng suspek ang ulo ng biktima at ipinatong sa upuan.
Ayon kay Police Captain Jerome Despuig, hepe ng Lupi PNP, kusang sumuko ang suspek sa barangay matapos ang krimen.
Napag-alamang may problema umano sa pag-iisip ang suspek na nahaharap sa kasong murder.
Hindi matanaggap ng pamilya ang sinapit ng kanilang kaanak at sa kalunos-lunos na sinapit nito.