๐๐๐ -๐๐ฌ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข, ๐ง๐๐ -๐ญ๐ซ๐๐ง๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ฎ๐ฎ๐ค๐ข๐ญ ๐ญ๐จ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ญ๐๐ซ๐ข๐ณ๐๐
Mula sa tradisyunal na paggawa at pag-uukit sa lapida, to the next level na ang paggawa nyan via computerized engraving ng isang mag-asawa sa Pili, Camarines Sur.
Kuwento ng mag-asawang Jake at Ruffa Bulalacao, 2015 nang magsimula sila sa paggawa at pag-ukit ng tradisyunal na lapida sa marmol at granite.
Habang tumagal naisipan nilang i-incorporate ang digital technology sa paggawa ng lapida via computerized engraving na pumatok naman umano sa kanilang mga parokyano.
โDahil latest na tayo mas lalo nating pagagandahin ang mga lapida since makikita na talaga yung computerized na talaga sila sa mismong lapidaโ, sabi ni Jake.
Maaari ring maglagay ng larawan ng namayapa sa mismong lapida na picture quality, colored o grayscale.